Sining:
Isa ang Persia sa may mga pinakamayaman na sining sa kasaysayan ng mundo. Ipinapakita nila ito sa kanilang arkitektura, pagpinta, paghabi, pagpapalayok at kaligrapiya. Ang mga Persian din ang isa sa mga unang naghabi ng karpet sa kasaysayan. Nagsimula ang mga karpet na ito sa mga simpleng tela na ginagamit lang ng mga Persian para labanan ang lamig. Sa paglipas ng panahon, Ang mga karpet na ito nagkaroon ng mga disenyo sa puntong ginagami na nila ito bilang dekorasyon.
Wika at Panitikan:
Ang Persia ay may iba't ibang wika sa iba't ibang rehiyon. Ang karaniwang wika nila ay ang pambansang wika nila na Persian. Ang wikang Azerbaijani ay karaniwang maririnig sa hilagang kanluran na parte ng bansa, Kurdish ang karaniwan sa kanluran pati narin ang Luri, Mazandarani at Gilaki
Relihiyon:
Ang Relihiyon ng mga persian ay Zoroastrinismo bago nanghimasok ang mga arabo sa kanilang bansa. Sa kasalukuyang panahon, 98% ng nakatira sa Persia ay Muslim
Modernong Kultura:
Sinehan:
Sa mahigit 300 na parangal, Ang mga pelikulang Persian ay ipinagdidiwang sa buong mundo. Ang mga pinaka kilalang Persian na direktor ay sila Abbas Kiarostami, Majid Majidi, at Asghar Farhadi.
Musika:
Ang musika ng persia ay nagsimula na bago pa ang araw ni Barbad. Maraming kultura ng musika ay nanggaling dito
